miércoles, 4 de abril de 2012


                             PENNE BOLOGNESE


       Good Morning Guys!Maraming Salamat po sa pagbisita nyo sa Blog ko at sana nagustuhan nyo at magustuhan nyo ang bawat Recipe na nai-share at maisi-share ko sa inyo.This time ibabahagi ko sa inyo ang natutuhan ko habang nandito ako sa Madrid,Spain.In my 13 years that i am here working eh masasabi kong nag-grown ako not only spiritually kundi mentally na din.Naging wide ang experienced ko not just communicating to all different people in every part of the world kundi pa ti na din sa paraan ng pagluluto.Yes guys!It's a long hard but a great experienced.Palipat-lipat ako nang trabaho.And Yes!I swear hindi ko madali makahanap ng trabaho.Mabuti na lang at ma-PR ako at ginamit ko yung attitude na yon para hindi maging mahirap para sa akin ang lahat.But of course.GOD guides me a lot.Kasama ko sya sa JOURNEY ko!In my 5 years that i've been worked in Italian Restaurant masasabi kong andami kong natutuhan.Well because of the interest i think.Dahil hindi daw matututo ang tao kung hindi interesado sa isang bagay i supposed.PRIMOLA is the first italian restaurant that i worked with.Mas especialized nila ang PIZZA kase base sa Menu eh mas marami silang PIZZA kesa sa Pasta kaya duon ko nakita kung paano gumawa ng Dough or Masa as we called it.Duon ko din natutuhan kung paano gumawa ng italian desserts such as PANA COTTA and TIRAMISU.Then nung magtrabaho naman ako sa TiPiacera Italian Ristorante ay duon ko naman na-discover na andami palang klase paraan ng pagluluto ang pwedeng gawin sa Pasta.That later eh ituturo ko sa inyo little by little.So ngayon po ituturo ko na sa inyo kung paano niluluto ang PENNE BOLOGNESE sa paraan ko.
Here's the Step:
INGREDIENTES:
    1 kilo of ground Pork or meat
    Penne Pasta
    2 pcs. medium chopped Onion
    3 pcs. fresh Red tomatoes
    2 pcs. of garlic chopped
    Tomato Paste
    Tomato Sauce
    Catsup/Red Wine
    Cheese
    Red and Green Belle Pepper
    Salt
    Pepper
    Oregano
    Virgin Olive Oil
Unahin po nating magpakulo ng tubig tapos lagyan natin ng Oil o butter para po hindi magdikit-dikit ang Pasta kapag pinapakuluan na natin.Then Salt.Pag kumulo na po ang tubig ay ilagay na natin ang Pasta at hayaan nating lumambot o maluto.Saka po natin ilalagay sa Draining pot ang Pasta habang pinapatuyo natin.Next step po ay gagawin naman natin ang Bolognese Sauce.Pwede natin  pagsabayin ang paggawa ng Sauce habang pinapakuluan natin ang Pasta kung nasa rush hour po tayo.Pero kung hindi naman eh maganda din na gawin natin One at a time.                                                                                                                                    
                    So painitin po natin ang Sauce Pan o kawali.Tapos lagyan natin nang Virgin Olive oil.Tapos ilagay natin ang Onion.Kapag medyo nagkulay brown na po ang Onion eh maaari na natin ilagay ang karne o Ground Meat or Pork.Depende po sa gusto nyo yan.Lagyan natin ng Salt.Then Pepper.Ilagay natin ang Tomatoes.Then red and green bell pepper.After 5 minutes po na nailagay natin ang karne eh ilagay na din po natin ang Tomato Paste at Tomato Sauce.Tikman po natin at kung ok na po ang lasa eh OPTIONAL po na lagyan natin ng Catsup.The reason why i really love to put a catsup eh para mas maging malasa po ang Bolognese Sauce at matamis tamis.Pwede din po na instead na Catsup eh Red Wine po ang ilagay natin.Estilong Italian po eh may halong Red Wine at estilong Pinoy naman eh Catsup.Then hayaan po natin ito for about 15 minutes at mahina lang po ang apoy para hindi sya matuyuan o masunog.So natapos na po ang 15 minutes.
            Third step po ay magpainit po tayo ulit ng Sauce Pan.Lagyan natin ulit ng olive oil.At kapag mainit na po ang mantika ay saka natin ilagay ang bawang or garlic.Kapag medyo  nag-brown na po ang garlic ay ibuhos na po natin ang Pasta na pinakuluan natin kanina.Low heat lang po ang apoy para hindi po masunog ang Pasta at magdikit sa Sauce Pan.Haluin po natin ng dahan-dahan.Kapag na cover na po nang olive oil at garlic ang Pasta eh ibuhos na po natin sa kawali ang Bolognese Sauce na ginawa natin.Haluin po natin ulit hanggang sa ma-cover po nang sauce ang pasta.Budburan po natin ng Cheese habang hinahalo natin at pagkatapos po ay takpan po natin for about 3 minutes.Im sure sigurao kong lalabas na napakasarap ng magiging resulta nito.Isa ito sa pagkain na paborito ko.Ready to serve na po at sana nagustuhan nyo ang recipe na nai-share ko sa inyo ngayon.Have a great day!!!!!


      

No hay comentarios:

Publicar un comentario