lunes, 2 de abril de 2012

My very FIRST..
    
     Actually wala akong alam sa pagluluto.Not even interested of cooking.Why should i?Hindi naman trabaho ng lalake yan?I've grown up with my mother's recipe.She's good in cooking.Actually my idol.She put up a carinderia or karinderya.And honestly hinahanap-hanap ko pa din ang luto nya na Ginataang Tambakol or TUNA MACKEREL,Adobong pusit at Adobong Pusit sa Gata.Pareho kaming mahilig sa Gata.Oh i really missed my mother a lot.She's the best mother in the world.Nung nasa Pinas pa ako i never had a chance to cook kase my older brother always tasked to cook our food.Kase si Nanay nagluluto para sa karinderya at si Kuya naman ang tagaluto ng pagkain para sa amin.Bongga di ba?Sosyal!Hahaha!!Just joking!
    Kidding aside.Nang mag-abroad ako at tumira sa Madrid,Spain.I'd started cooking.Syempre i started to have my own family.And technically life in here was so difficult to understand.Different lifestyle ika' nga.Men and woman treat so equal.Wala yung pera ni lalake pera ni misis.No.Nagkakaintindihan dito.Everything is equal.Kung ang lalake nagta-trabaho eh ang babae din.So what do we expect more?Kaya ang paglalaba o paglilinis ng bahay dapat equal din.Ako?I never expect my wife to iron my clothes kase tulad ko may responsibilities din sya na tulad ko.I never push her to cook food everyday.Kaya kung pwede sya at pwede ako nagtutulungan kami.So that was the time i learned to cook.
    Yes!For the first time nagluto ako ng Nilagang Baboy.At first kinakabahan pa ako.Sabi ko "Baka walang kumain??"
   Mahirap pa yung first attempt ko kase yung mga ingredients like sampalok or kalamansi eh wala naman dito nyan sa Spain.So sabi ko sa sarili ko eh suicide ito!Where can i get those ingredients?Kaya ang ginawa ko eh  nagpunta ako sa Sari-Sari Phils.(Ito yung tindahan ng mga Pilipino foods and items dito sa Madrid na matatagpuan sa malapit sa Gran Via.)Naging suki ako ng tindahan na ito for so many years kahit nakailang palit na nga ito ng mag-ari.Uso pa nun ang Video VHS and DVD rentals.Dumalang na nga lang ang bisita ko sa kanila ngayon kase alam naman natin na we can download movies and movies na through internet.So yun ang first....at masasabi kong hindi din naman duon nagtuloy tuloy ang debosyon ko sa pagluluto.It stopped then for a while.Kase during that time since maliliit pa ang mga kids namin eh mas hands on pa ang misis ko sa pagluto ng pagkain kaysa sa akin...



                                                     TAPAS Y PICOTEOS

Yan ang tawag sa apperitives sa Castellano or in a spanish words.Kung tutuusin mas engrande tayong maghanda kesa sa kanila.Mas magarbo pa din tayo kahit masasabi nga na mas maganda ang estado ng buhay nila kesa sa atin.Sila kapag may parties eh hindi sila naghahanda.They invite friends lang na magpunta sa Bar at mag-inuman.And believe me kahit invited ka does'nt mean na ililibre ka??Nope!Attend and buy your drinks!That's the rule!Kung wala kang pera eh sorry ka na lang!Unless aabisuhan ka nang hostess or host na Open Bar at duon pwede kang magpakalaseng hanggang gusto mo or kaya mo!O di ba masaya?The photo above on the left side as you can see was taken at @Korgui.es dyan ako nagta-trabaho.Tawag dyan sa Jamon na yan ay Jabugo-an Excellent quality Spanish cured Ham.Kumbaga sa atin masarap gawing pulutan lalong-lalo na sa Red Wine at pwede na din sa Beer.The photo on the right side naman eh yung typical picoteos din na makikita mo kapag ininvite ka sa bahay ng kaibigan mo o kaibigan nang kaibigan mo o kasama mo sa trabaho.Usually makikita mo sa lamesa ay Empanada de Atun or Tuna,Tortilla or Omelette,Chorizo and Queso or Cheese.

 That's one great idea na din na pwede natin na i-adapt kung meron tayong party na idadaos sa bahay.Instead of cooking a lot of foods all day eh why not invent some tapas na hindi masyadong magastos at nakakapagod di ba?Sabi nga eh Beer at Pulutan lang ang katapat nyan at AYOS nah!!Hahahaha!



                          Make a  PIZZA DOUGH on Your OWN










      

    
  






Kung gusto po nating kumain ng Pizza instead po na bumili tayo sa labas or kumain ng Pizza sa Restaurant eh mas masarap po kung tayo mismo ang gagawa.Opinyon ko lang po kung meron po tayong oven sa bahay.Mas makakatipid pa tayo at mas marami pang portions ang magagawa natin.Kase based on my experienced eh masasabi kong iba talaga ang feeling ng pinaghirapan po natin.Bukod pa duon pwede pa nating ilagay ang maraming ingredients na gusto natin.
  To share how to do a Pizza Dough...Heto po ang proseso.

Unang Hakbang po:
Kakailanganin natin para gumawa ng Dough.

1 1/2 cup of FLOUR
1 tsp. of Olive Oil
3/4 cup of Warm water
1 pocket of DRY Yeast
and 1 tsp. of Salt
Roll Plastic Transparent

Madali lang po ito.Kumuha tayo ng clean Mixing Bowl at dun po natin ilalagay yung gagawin nating dough.Tapos i-mix natin yung 3/4 cup of warm water,Olive Oil at DRY Yeast.Hahaluin natin sila ng maigi sa Mixing Bowl.Importante po na hindi natin muna lalagyan ng Salt.Tapos kapag nahalo na natin sila ng maigi saka natin ilalagay ang 1/2 of Flour tapos habang hinahalo po natin eh paunti-unti nating ibubuhos ang natitirang FLOUR pero magtitira po tayo dahil gagamitin po natin sya mamaya.Then saka na po natin ilalagay ang SALT.Hahaluin po natin hanggang sa mabuo po ang dough.Kapag hindi na po sya dumidikit sa bowl eh ibig sabihin eh pwede na po natin syang ilagay working table.At bago po natin ilapag ang nagawa nating dough eh ibudbod po natin ang natitira nating FLOUR sa lamesa.At umpisahan na po natin ang pagbilog nang FLOUR.Kung makikita po ninyo sa picture may proseso po ang pagbilog para po maganda ang kalabasan ng DOUGH.Kapag nag-shape na po sya at hindi na po sya sticky sa kamay natin eh ibalik po natin sya sa MIXING BOWL(Importante po na punasan natin ang dough ng olive oil sa buong parte nya para mas mabilis po syang umalsa)at takpan natin ng Roll Plastic Transparent at hayaan po natin sya na umalsa duon for about 45 mins.After the processed ilabas na po natin yung nagawa nating dough.At pwede na po natin syang ilagay sa Baking Tray or Baking Pan.(Optional)Pwede kayong gumamit ng Rolling Pin kung gusto nyo or pwede din naman na ilagay nyo diretso sa Baking Tray at dun nyo na gawin yung shape.Pwede nyo po syang itago muna sa fridge by 24 hours at hindi po sya masisira basta ibalot nyo lang sya ng plastic roll transparent.
And for the toppings.First we should cover the tomate paste all the surface  of the dough.Tapos kayo na ang pumili ng ingredients na gusto nyo.
 You can put any of these ingredients:Anhovies,cheese, Pineapple,Red and Green Bell Pepper,Jamon,Eggplant,Tomatoes,Chorizo,Onions,etc.Put the temperature Pre heat at 450 then cook it to 10-15 minutes.


Sana po meron akong nai-share sa inyo at naitulong.And enjoy!!!!!!


No hay comentarios:

Publicar un comentario