MERLUZA en PIPERRADA
(Sweet and Sour HAKE)Pinoy style
Hello Guys!!!!Nandito na naman po ako to share one of my favorite food.Ito ay ang Merluza Pipperada or Sweet and Sour Fish tagalog style.Marami pong paraan nang pagluluto ng sweet and sour na isda.Kahit ano pong isda na gusto nyo pwede.Ang pagkakaiba lang po ay ang paraan nang pagluluto.Kayo na po ang bahalang mag-imbento kung paano nyo sya gagawin at ibibigay ko po sa inyo ang options para ho at least may ideya kayo kung anong pattern ang iyong gagawin.
Narito po ang INGREDIENTS:
Fish
Red and green bell pepper
2 pcs. of Chopped Onions
2 pcs. of Tomatoes chopped
2 chopped garlic
chopped Ginger
Patis or Fish Sauce
2 pcs of carrots sliced(OPTIONAL)
1 glass of water
1/2 glass of Vinegar
White Wine (Spanish Style)Optional
3 Teaspoon of Sugar
Olive Oil
Steps:
Una po nating gagawin ay ipi-prito muna natin ang Isda.Kapag naluto na po ay ise-set aside muna natin sya.Pagkatapos ay gagawin na natin ang Sweet and sour Sauce.Isasalang po natin ang kawali at kapag mainit na ay bubuhusan natin ng mantika or Olive oil na tamang tama lang po para panggisa.Ilalagay natin ang garlic.Tapos ay Ginger o Luya.Then Onion.At saka na natin ilalagay ang tomatoes.Tapos kapag luto na ang tomatoes ay ilagay naman natin ang Red and green bell pepper.At saka natin timplahan ng Fish Sauce.Hayaan nating maluto ang gulay.Tapos ilagay na natin ang Carrots kung gusto po nating lagyan.Buhusan natin ng Vinegar.Tapos isunod natin ang Sugar.At takpan muna natin hanggang sa mag-absorb na lahat ang lasa ng mga nilagay natin.After 5 minutes ilagay na na Tomato Sauce at White Wine.Hayaan po muna natin at takpan for about 5 minutes.After 5 or 7 minutes ay tikman na natin ang lasa.Depende na po sa inyo kung gusto nyong mas matamis eh maaari ho ninyong lagyan ulit ng asukal.Kapag luto na po ang carrots at iba pang gulay eh ilagay na natin ng paisa-isa ang Isda at kapag nailagay na po natin lahat ay i cover lang po natin ng salsa ang ibabaw ng isda para kapag tinakpan po natin ng takip eh ma-absorb po ng isda ang salsa.Takpan na po natin at hayaan po natin nang at least 10 minutes.After 10 mins. eh ready to serve na po yan.
Sana po ay natutunan ulit kayo sa mga naituro ko at salamat po sa inyong pagbisita.Hanggang sa muli po!!!Babusss!!!!
No hay comentarios:
Publicar un comentario