jueves, 12 de abril de 2012

Sausage in Veggies

Hello Guys!Nandito na naman po ang inyong lingkod para mag-share sa inyo ng isang recipe na very affordable na eh sigurado pa akong hindi lang tayong mga teenagers(Ups!Joke!) ang magkakagusto kundi pati na din ang mga kids!!!At hindi lang po iyon.Isang way na din po iyon na yung mga vegetables na hindi natin common na nagagamit at madalas na nai-stock lang sa refrigerator eh pwede nating isahog instead na mabulok lang sya di ba?
Ang recipe po ay tatawagin nating Sausage in Veggies.Alam nyo paminsan-minsan masarap na mag-invent tayo ng mga recipe para naman hindi lang iyon at iyon din ang natitikman nating pagkain.Or reinvent food lalong lalo na po yung natirang pagkain natin yesterday.Kase most of the time yung mga kids once na natikman na nila ang ulam eh ayaw na nilang ulitin the other day.So para maging useful po sya.Just put it on the refrigerator para hindi masayang.At kung tinatamad naman kayong i recycle ang food eh di i-frozen natin at hindi ho yan masisira.
So umpisahan na po natin ang pagluluto.
Ingredients:
Meat Sausage
5 Bacon in strips
Green Beans
1 pc. Of Red & Green bell Pepper
Corn
1 Onion
2 pcs. Garlic
Tomato Sauce
Salt
Pepper
Olive oil
1/2 cup of water

Steps:
Uunahin po natin na lutuin ang Meat Sausage.Hindi po natin sya ipi-prito kundi palalambutin natin sya sa water.Pakukuluan natin with a little amount of water na tamang-tama lamang para hindi masunog ang sausage.Kapag kumulo na po ay ilagay na natin ang tomato sauce.At hayaan natin na ma-absorb ng sausage ang tomato sauce for at least 10 mins.Pagkatapos ay i set aside natin sya at gagawin natin ang next procedure.
Kailangan natin ang frying pan.Lagyan natin ng olive oil.Then Onion.Kapag medyo luto na po sya ay isunod natin ang bacon.Take note:Iwasan po natin masunog para hindi sya pumait.Then kapag luto na po ang bacon ay isunod natin ang Red and Green bell pepper at Green beans.Hayaan lang po natin silang maluto saka po natin ilagay ang Sweet Corn.Then lagyan na po natin ng Asin at Paminta.Importante po na hindi sila Overcooked kase importante po ang aspekto ng preparasyon at ang lasa ng pagkain dahil iyon po ang Birtud para magustuhan nang pamilya natin o ng kakain ang isi serve natin sa kanila.Hahanguin po natin ang sausage sa tomato sauce at hihiwain po natin in 3 pcs. every each of them.Saka natin ihahalo sa nilulutong gulay.Ngayon pwede na po nating lagyan ng 5 tsp. of Soy Sauce.Hayaan lang po natin na kumulo ng 3 to 5 minutes at pwede na po natin i-serve.
Sana po ay nagustuhan nyo ang recipe na nai-share ko ngayon at hanggang sa uulitin po.








lunes, 9 de abril de 2012

                                                         MERLUZA en PIPERRADA
                                           (Sweet and Sour   HAKE)Pinoy style




     Hello Guys!!!!Nandito na naman po ako to share one of my favorite food.Ito ay ang Merluza Pipperada or Sweet and Sour Fish tagalog style.Marami pong paraan nang pagluluto ng sweet and sour na isda.Kahit ano pong isda na gusto nyo pwede.Ang pagkakaiba lang po ay ang paraan nang pagluluto.Kayo na po ang bahalang mag-imbento kung paano nyo sya gagawin at ibibigay ko po sa inyo ang options para ho at least may ideya kayo kung anong pattern ang iyong gagawin.

Narito po ang INGREDIENTS:

            Fish
            Red and green bell pepper
            2 pcs. of Chopped Onions
            2 pcs. of Tomatoes chopped
            2 chopped garlic
            chopped Ginger
            Patis or Fish Sauce
            2 pcs of carrots sliced(OPTIONAL)
            1 glass of water
            1/2 glass of Vinegar
            White Wine (Spanish Style)Optional
            3 Teaspoon of Sugar
            Olive Oil
         
Steps:
    Una po nating gagawin ay ipi-prito muna natin ang Isda.Kapag naluto na po ay ise-set aside muna natin sya.Pagkatapos ay gagawin na natin ang Sweet and sour Sauce.Isasalang po natin ang kawali at kapag mainit na ay bubuhusan natin ng mantika or Olive oil na tamang tama lang po para panggisa.Ilalagay natin ang garlic.Tapos ay Ginger o Luya.Then Onion.At saka na natin ilalagay ang tomatoes.Tapos kapag luto na ang tomatoes ay ilagay naman natin ang Red and green bell pepper.At saka natin timplahan ng Fish Sauce.Hayaan nating maluto ang gulay.Tapos ilagay na natin ang Carrots kung gusto po nating lagyan.Buhusan natin ng Vinegar.Tapos isunod natin ang Sugar.At takpan muna natin hanggang sa mag-absorb na lahat ang lasa ng mga nilagay natin.After 5 minutes ilagay na na Tomato Sauce at White Wine.Hayaan po muna natin at takpan for about 5 minutes.After 5 or 7 minutes ay tikman na natin ang lasa.Depende na po sa inyo kung gusto nyong mas matamis eh maaari ho ninyong lagyan ulit ng asukal.Kapag luto na po ang carrots at iba pang gulay eh ilagay na natin ng paisa-isa ang Isda at kapag nailagay na po natin lahat ay i cover lang po natin ng salsa ang ibabaw ng isda para kapag tinakpan po natin ng takip eh ma-absorb po ng isda ang salsa.Takpan na po natin at hayaan po natin nang at least 10 minutes.After 10 mins. eh ready to serve na po yan.
     Sana po ay natutunan ulit kayo sa mga naituro ko at salamat po sa inyong pagbisita.Hanggang sa muli po!!!Babusss!!!!


miércoles, 4 de abril de 2012



                                                My AFRITADANG MANOK



  Nandito na naman po ako.Kumusta po sa inyong lahat?Im sure excited na po kayo to learn once again lalong-lalo na po sa mga Father na katulad ko na hindi  lagi nagluluto.Para sa akin ang pagluluto ay isa na ding paraan to show your love sa mga minamahal natin.It's one part of how we demontrate our feelings towards them.At iyon ay ang ipagluto sila.Bukod sa fulfillment na naa-achieved natin kapag nakakapagluto tayo eh na-aapreciate pa nila yung effort na ginawa natin at iyon ay ang matikman nila ang sarap ng pagkain na inihahain natin.Oo naman.Ako kapag nakikita ko na sarap na sarap sa pagkain ang mga anak ko i feel so good and contented.Lalo na kapag napapa...Ummm sila.Wow!It's kind of contentment sa sarili natin.Like what i'm gonna share to you this time guys.Eto ay ang aking version nang Afritadang Manok.I remember when i posted this picture sa Facebook eh marami ang nag-post ng comment at nag-likes.The way i feel the same when i cooked the food.Ako mandin napadami nang kinain.That's why i decided to share the recipe on how to do Afritadang manok.

Here's the ingredients:
      5 pcs. of Chicken Legs cut into 3
      Tomato Paste
      Patis
      6 pcs. of medium Juicy Hotdog
      4 Pcs. of Large Potatoes cut into 4
      5 pcs. of Carrots cut in a 6 
      Red and green bell pepper
      Salt  
      Onion
     Pepper
     Green Peas
     Olive Oil
      3 tsp. of liver spread
Steps:
      Umpisahan na `po natin magpainit ng kawali.Tapos ilagay na natin ang Olive oil for at least 5 tsp.Then kapag mainit na po ang Oil eh ilagay na natin ang onions.At saka natin ilagay ang Chicken kapag naluto na ang Onion.Ipi-prito po natin ang Chicken hanggang sa mag-brown po sya at saka natin hihinaan ang konti ang apoy.Saka natin isunod ang Patatas o Potatoes.Then the carrots at hayaan po natin na maluto sila habang nakatakip po sya .Hayaan natin for about 15 minutes.Kapag malambot na po ang Potatoes at Carrots eh ilagay na po natin ang Tomato paste at haluin po natin.Timplahan natin ng patis.Tapos asin at paminta or Salt and Pepper.Takpan natin ulit at low temperature lang ang apoy.Then ilagay na po natin ang red and green bell pepper after 10 minutes.After po nuon eh ilagay na natin ang green peas at timplahan na po natin at lagyan nang Liver spread.Hayaan po natin ulit at syempre mahina lang ang apoy.Then after 5 minutes eh maaari na po nating i-serve ang niluto natin.


    Hayan huh!I hope nag-enjoy po kayo at natuto!!!!Have a great day to everyone!!!!!!!!!
     
 





 

                             PENNE BOLOGNESE


       Good Morning Guys!Maraming Salamat po sa pagbisita nyo sa Blog ko at sana nagustuhan nyo at magustuhan nyo ang bawat Recipe na nai-share at maisi-share ko sa inyo.This time ibabahagi ko sa inyo ang natutuhan ko habang nandito ako sa Madrid,Spain.In my 13 years that i am here working eh masasabi kong nag-grown ako not only spiritually kundi mentally na din.Naging wide ang experienced ko not just communicating to all different people in every part of the world kundi pa ti na din sa paraan ng pagluluto.Yes guys!It's a long hard but a great experienced.Palipat-lipat ako nang trabaho.And Yes!I swear hindi ko madali makahanap ng trabaho.Mabuti na lang at ma-PR ako at ginamit ko yung attitude na yon para hindi maging mahirap para sa akin ang lahat.But of course.GOD guides me a lot.Kasama ko sya sa JOURNEY ko!In my 5 years that i've been worked in Italian Restaurant masasabi kong andami kong natutuhan.Well because of the interest i think.Dahil hindi daw matututo ang tao kung hindi interesado sa isang bagay i supposed.PRIMOLA is the first italian restaurant that i worked with.Mas especialized nila ang PIZZA kase base sa Menu eh mas marami silang PIZZA kesa sa Pasta kaya duon ko nakita kung paano gumawa ng Dough or Masa as we called it.Duon ko din natutuhan kung paano gumawa ng italian desserts such as PANA COTTA and TIRAMISU.Then nung magtrabaho naman ako sa TiPiacera Italian Ristorante ay duon ko naman na-discover na andami palang klase paraan ng pagluluto ang pwedeng gawin sa Pasta.That later eh ituturo ko sa inyo little by little.So ngayon po ituturo ko na sa inyo kung paano niluluto ang PENNE BOLOGNESE sa paraan ko.
Here's the Step:
INGREDIENTES:
    1 kilo of ground Pork or meat
    Penne Pasta
    2 pcs. medium chopped Onion
    3 pcs. fresh Red tomatoes
    2 pcs. of garlic chopped
    Tomato Paste
    Tomato Sauce
    Catsup/Red Wine
    Cheese
    Red and Green Belle Pepper
    Salt
    Pepper
    Oregano
    Virgin Olive Oil
Unahin po nating magpakulo ng tubig tapos lagyan natin ng Oil o butter para po hindi magdikit-dikit ang Pasta kapag pinapakuluan na natin.Then Salt.Pag kumulo na po ang tubig ay ilagay na natin ang Pasta at hayaan nating lumambot o maluto.Saka po natin ilalagay sa Draining pot ang Pasta habang pinapatuyo natin.Next step po ay gagawin naman natin ang Bolognese Sauce.Pwede natin  pagsabayin ang paggawa ng Sauce habang pinapakuluan natin ang Pasta kung nasa rush hour po tayo.Pero kung hindi naman eh maganda din na gawin natin One at a time.                                                                                                                                    
                    So painitin po natin ang Sauce Pan o kawali.Tapos lagyan natin nang Virgin Olive oil.Tapos ilagay natin ang Onion.Kapag medyo nagkulay brown na po ang Onion eh maaari na natin ilagay ang karne o Ground Meat or Pork.Depende po sa gusto nyo yan.Lagyan natin ng Salt.Then Pepper.Ilagay natin ang Tomatoes.Then red and green bell pepper.After 5 minutes po na nailagay natin ang karne eh ilagay na din po natin ang Tomato Paste at Tomato Sauce.Tikman po natin at kung ok na po ang lasa eh OPTIONAL po na lagyan natin ng Catsup.The reason why i really love to put a catsup eh para mas maging malasa po ang Bolognese Sauce at matamis tamis.Pwede din po na instead na Catsup eh Red Wine po ang ilagay natin.Estilong Italian po eh may halong Red Wine at estilong Pinoy naman eh Catsup.Then hayaan po natin ito for about 15 minutes at mahina lang po ang apoy para hindi sya matuyuan o masunog.So natapos na po ang 15 minutes.
            Third step po ay magpainit po tayo ulit ng Sauce Pan.Lagyan natin ulit ng olive oil.At kapag mainit na po ang mantika ay saka natin ilagay ang bawang or garlic.Kapag medyo  nag-brown na po ang garlic ay ibuhos na po natin ang Pasta na pinakuluan natin kanina.Low heat lang po ang apoy para hindi po masunog ang Pasta at magdikit sa Sauce Pan.Haluin po natin ng dahan-dahan.Kapag na cover na po nang olive oil at garlic ang Pasta eh ibuhos na po natin sa kawali ang Bolognese Sauce na ginawa natin.Haluin po natin ulit hanggang sa ma-cover po nang sauce ang pasta.Budburan po natin ng Cheese habang hinahalo natin at pagkatapos po ay takpan po natin for about 3 minutes.Im sure sigurao kong lalabas na napakasarap ng magiging resulta nito.Isa ito sa pagkain na paborito ko.Ready to serve na po at sana nagustuhan nyo ang recipe na nai-share ko sa inyo ngayon.Have a great day!!!!!


      

lunes, 2 de abril de 2012

My very FIRST..
    
     Actually wala akong alam sa pagluluto.Not even interested of cooking.Why should i?Hindi naman trabaho ng lalake yan?I've grown up with my mother's recipe.She's good in cooking.Actually my idol.She put up a carinderia or karinderya.And honestly hinahanap-hanap ko pa din ang luto nya na Ginataang Tambakol or TUNA MACKEREL,Adobong pusit at Adobong Pusit sa Gata.Pareho kaming mahilig sa Gata.Oh i really missed my mother a lot.She's the best mother in the world.Nung nasa Pinas pa ako i never had a chance to cook kase my older brother always tasked to cook our food.Kase si Nanay nagluluto para sa karinderya at si Kuya naman ang tagaluto ng pagkain para sa amin.Bongga di ba?Sosyal!Hahaha!!Just joking!
    Kidding aside.Nang mag-abroad ako at tumira sa Madrid,Spain.I'd started cooking.Syempre i started to have my own family.And technically life in here was so difficult to understand.Different lifestyle ika' nga.Men and woman treat so equal.Wala yung pera ni lalake pera ni misis.No.Nagkakaintindihan dito.Everything is equal.Kung ang lalake nagta-trabaho eh ang babae din.So what do we expect more?Kaya ang paglalaba o paglilinis ng bahay dapat equal din.Ako?I never expect my wife to iron my clothes kase tulad ko may responsibilities din sya na tulad ko.I never push her to cook food everyday.Kaya kung pwede sya at pwede ako nagtutulungan kami.So that was the time i learned to cook.
    Yes!For the first time nagluto ako ng Nilagang Baboy.At first kinakabahan pa ako.Sabi ko "Baka walang kumain??"
   Mahirap pa yung first attempt ko kase yung mga ingredients like sampalok or kalamansi eh wala naman dito nyan sa Spain.So sabi ko sa sarili ko eh suicide ito!Where can i get those ingredients?Kaya ang ginawa ko eh  nagpunta ako sa Sari-Sari Phils.(Ito yung tindahan ng mga Pilipino foods and items dito sa Madrid na matatagpuan sa malapit sa Gran Via.)Naging suki ako ng tindahan na ito for so many years kahit nakailang palit na nga ito ng mag-ari.Uso pa nun ang Video VHS and DVD rentals.Dumalang na nga lang ang bisita ko sa kanila ngayon kase alam naman natin na we can download movies and movies na through internet.So yun ang first....at masasabi kong hindi din naman duon nagtuloy tuloy ang debosyon ko sa pagluluto.It stopped then for a while.Kase during that time since maliliit pa ang mga kids namin eh mas hands on pa ang misis ko sa pagluto ng pagkain kaysa sa akin...



                                                     TAPAS Y PICOTEOS

Yan ang tawag sa apperitives sa Castellano or in a spanish words.Kung tutuusin mas engrande tayong maghanda kesa sa kanila.Mas magarbo pa din tayo kahit masasabi nga na mas maganda ang estado ng buhay nila kesa sa atin.Sila kapag may parties eh hindi sila naghahanda.They invite friends lang na magpunta sa Bar at mag-inuman.And believe me kahit invited ka does'nt mean na ililibre ka??Nope!Attend and buy your drinks!That's the rule!Kung wala kang pera eh sorry ka na lang!Unless aabisuhan ka nang hostess or host na Open Bar at duon pwede kang magpakalaseng hanggang gusto mo or kaya mo!O di ba masaya?The photo above on the left side as you can see was taken at @Korgui.es dyan ako nagta-trabaho.Tawag dyan sa Jamon na yan ay Jabugo-an Excellent quality Spanish cured Ham.Kumbaga sa atin masarap gawing pulutan lalong-lalo na sa Red Wine at pwede na din sa Beer.The photo on the right side naman eh yung typical picoteos din na makikita mo kapag ininvite ka sa bahay ng kaibigan mo o kaibigan nang kaibigan mo o kasama mo sa trabaho.Usually makikita mo sa lamesa ay Empanada de Atun or Tuna,Tortilla or Omelette,Chorizo and Queso or Cheese.

 That's one great idea na din na pwede natin na i-adapt kung meron tayong party na idadaos sa bahay.Instead of cooking a lot of foods all day eh why not invent some tapas na hindi masyadong magastos at nakakapagod di ba?Sabi nga eh Beer at Pulutan lang ang katapat nyan at AYOS nah!!Hahahaha!



                          Make a  PIZZA DOUGH on Your OWN










      

    
  






Kung gusto po nating kumain ng Pizza instead po na bumili tayo sa labas or kumain ng Pizza sa Restaurant eh mas masarap po kung tayo mismo ang gagawa.Opinyon ko lang po kung meron po tayong oven sa bahay.Mas makakatipid pa tayo at mas marami pang portions ang magagawa natin.Kase based on my experienced eh masasabi kong iba talaga ang feeling ng pinaghirapan po natin.Bukod pa duon pwede pa nating ilagay ang maraming ingredients na gusto natin.
  To share how to do a Pizza Dough...Heto po ang proseso.

Unang Hakbang po:
Kakailanganin natin para gumawa ng Dough.

1 1/2 cup of FLOUR
1 tsp. of Olive Oil
3/4 cup of Warm water
1 pocket of DRY Yeast
and 1 tsp. of Salt
Roll Plastic Transparent

Madali lang po ito.Kumuha tayo ng clean Mixing Bowl at dun po natin ilalagay yung gagawin nating dough.Tapos i-mix natin yung 3/4 cup of warm water,Olive Oil at DRY Yeast.Hahaluin natin sila ng maigi sa Mixing Bowl.Importante po na hindi natin muna lalagyan ng Salt.Tapos kapag nahalo na natin sila ng maigi saka natin ilalagay ang 1/2 of Flour tapos habang hinahalo po natin eh paunti-unti nating ibubuhos ang natitirang FLOUR pero magtitira po tayo dahil gagamitin po natin sya mamaya.Then saka na po natin ilalagay ang SALT.Hahaluin po natin hanggang sa mabuo po ang dough.Kapag hindi na po sya dumidikit sa bowl eh ibig sabihin eh pwede na po natin syang ilagay working table.At bago po natin ilapag ang nagawa nating dough eh ibudbod po natin ang natitira nating FLOUR sa lamesa.At umpisahan na po natin ang pagbilog nang FLOUR.Kung makikita po ninyo sa picture may proseso po ang pagbilog para po maganda ang kalabasan ng DOUGH.Kapag nag-shape na po sya at hindi na po sya sticky sa kamay natin eh ibalik po natin sya sa MIXING BOWL(Importante po na punasan natin ang dough ng olive oil sa buong parte nya para mas mabilis po syang umalsa)at takpan natin ng Roll Plastic Transparent at hayaan po natin sya na umalsa duon for about 45 mins.After the processed ilabas na po natin yung nagawa nating dough.At pwede na po natin syang ilagay sa Baking Tray or Baking Pan.(Optional)Pwede kayong gumamit ng Rolling Pin kung gusto nyo or pwede din naman na ilagay nyo diretso sa Baking Tray at dun nyo na gawin yung shape.Pwede nyo po syang itago muna sa fridge by 24 hours at hindi po sya masisira basta ibalot nyo lang sya ng plastic roll transparent.
And for the toppings.First we should cover the tomate paste all the surface  of the dough.Tapos kayo na ang pumili ng ingredients na gusto nyo.
 You can put any of these ingredients:Anhovies,cheese, Pineapple,Red and Green Bell Pepper,Jamon,Eggplant,Tomatoes,Chorizo,Onions,etc.Put the temperature Pre heat at 450 then cook it to 10-15 minutes.


Sana po meron akong nai-share sa inyo at naitulong.And enjoy!!!!!!